Lca_120_september_2014_header
Have an account? Login | New to Lomography? Register | Lab | Current Site:

Pangalawang Lomowalk kaagad sa taong 2010!

Nagkita-kita kami sa Hidalgo, Quiapo mga bandang Alas-diyes Y Media para magLomowalk sa Binondo. Itu-tour namin si ceducxi0n para makapagshoot naman kasama ang ilang Pinoy Lomographers. Si Isabela (ceduxi0n) ay Pinay Lomographer na naka-base sa US.

Dahil ilang beses narin naman kaming nakapag-shoot sa Binondo kaya’t hindi na kami nahirapan kung saan pupunta. Lalo pa nga at kasama namin si @lakandula, na parang may GPS na nakakabit sa paa. haha!

Naglakad lakad kami at nagshoot sa may bandang Escolta. papunta sa Chinatown sa Binondo Church. Doon na kami inabutan ng oras ng tanghalian kaya kumain na kami sa Wai Ying. Masarap. Sulit ang pera sa mga kinain namin, masarap ang asado! :)

Pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa isang Buddhist Temple. Si Kara, nagtanong sa loob ng templo. Pagkatapos magsindi ng insenso, magdasal ng kaunti ay nagtanong na sya. Hindi namin aalm kung ano ang tinanong n’ya, pero ang isinaot sa kanya nung hinuhulog na kahoy ay “Hindi.” Nakakaintriga kung ano ang tinanong n’ya sa loob ng templo hahaha!

Pagkatapos ay bumalik kami sa Hidalgo upang balikan ang pinaayos ni Kara na camera kay Mang Dong. Tapos nagkayayaan naman sa Intramuros.

Sumakay kami ng jeep, at mukhang tuwang-tuwa si Isabel kasi first time lang n’ya nakasakay ng jeep simula nung dumating s’ya netng Disyembre. Nagpunta kami sa Fort Santiago. Kunting ikot, kunting shoot-shoot pagkatapos ay nag-FX naman kami papuntang Harbor View para mag meryenda ng mga fruitshakes. hehe Gusto din kasi ni Isabel na uminom ng fresh buko juice na nasa buko pa hehe.

Medyo nadissapoint lang kami kasi maganda sana ang view ng Manila Bay Sunset sa pwesto namin sa Harbor View pero masyadong makapal at ayaw umalis ng ulap.

Nagshoot ako ng tatlong roylo ng slide films para pang doubles kay Isabel, Michelle Rae at Satomi. At isang roll na ginamit ko sa loob ng Intramuros para may mga normal shots naman ako ng Lomowalk kasama sila Isabel, Kara and Tristan, Lakan and Diwata. Sayang lang si Erin kasi umalis na s’ya kaagad pagkatapos namin mag Wai Ying, may shift pa kasi sya ng trabaho sa LSI hehe

Sa Linggo magsu-shoot naman kami sa Fiesta ng Nazareno! Ako na ang always present sa Lomowalk! Hahaha

written by icuresick

2 comments

  1. jcgepte

    jcgepte

    hardcore! hahaha.

    almost 4 years ago · report as spam
  2. icuresick

    icuresick

    Haha! Ubos pera na kaagad sa Lomowalk pa lang. 'Yung pangdevelop eh hindi ko pa alam kung masusustentuhan! :))

    almost 4 years ago · report as spam